Malapit na ang eleksyon marami nang umeepal

ALAM mong malapit na ang eleksyon kung marami nang umeeksenang politiko at kung ano-ano ang pinagsasabi para lang magka-exposure sa TV, radyo, at diyaryo.

Napansin n’yo po ba?

Sa ibang balita naman, kinukuwestiyon ni Sen. Vicente Sotto ang P63 million TV commercial ng Department of Tourism sa CNN. Nanakot pa siya na gagawing tumataginting na “piso” ang budget ng DOT sa 2013!

Hello?! Are you for real?! Hay naku…kaya nga umaasenso ang turismo ng Malaysia,  Thailand, atbp. ay dahil wala silang Sotto!

Dito naman sa amin sa Marikina, nangangamoy eleksyon na rin. Sa Facebook pa lang ramdam mo na sila.

Lalo na yung mga dating opisyal na nais muling maluklok sa puwesto. Meron pa nga riyan na panay ang post sa FB ng negatibong balita tungkol sa aming bayan.

Umuugong nga ngayon ang balitang magre-“return of the comeback” itong si dating  mayor at MMDA chairman Bayani Fernando. Pero, wala namang makakumpirma kung totoo nga. Puro chismis pa lang.

Panay haka-haka. Kung may nagtatanong nga sa akin ang sagot ko, “sabi raw pero ako mismo walang personal knowledge.” Para sa iba, marami lang daw na mga nakapaligid kina BF at MCF na nag-uudyok na tumakbo uli sila.

Noong isang taon, may isang survey base sa face-to-face interview na ang tanong ay, “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang iboboto ninyong mayor?” Open ended ang tanong, walang binanggit na pangalan.

Ang resulta? 1 is to 3 para kay Mayor Del de Guzman. Kumbaga, sa bawat isang nagbanggit ng BF, tatlo naman ang nagbanggit ng Del. Ngunit, nagbabago ang resulta depende sa panahon kaya mainam siguro na gumawa tayo ng follow up survey para makita natin ang kasalukuyang pulso ng mga Marikenyo. Marami ang nagsasabing mahirap tibagin si Mayor Del dahil sa mapagkumbabang ugali niya na binibigyang importansya ang bawat makaharap niya – lalo na yung mga medyo hirap sa buhay.

At napaka-consistent n’ya – dahil ganito na ang gawain niya mula noong nagsimula siya sa pulitika, hanggang maging vice mayor, congressman, at mayor.

‘Yan ang dahilan kaya napamahal si mayor sa mga tao – yung pagbibigay niya ng importansya sa bawat tao, bawat imbitasyon, bawat okasyon.

Pakiusap ng ilang residente na sana wala munang distractions sa developmental projects galing sa mga maiingay na pulitika lang ang nasa puso.

Marami pang kailangan na gawin sa Marikina, lalo na’t papasok na ulit ang tag-ulan.

Ang tindi pa ng sakit ng ulo natin sa peace and order at kriminalidad.

Isantabi muna natin ang pulitika, Marikenyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply