Mali ang SBMA, Subic freeport ang tama

MAY mga simple pero hindi maarok ng marami. Halimbawa nito ay ang Subic Bay Freeport.

Paboritong puntahan kapwa ng mga pribadong mamamayan at lalo na ng mga opisyal at em-pleyado ng gobyerno na pa-junket-junket diyan.

Kunwari seminar, management conference o mancom, strategic planning o stratplan, etc., na ang nilulustay ay pera ng bayan.

Pwede namang sa kani-kanilang lugar na lang pero kahit gumagastos ng daan-daang libo, o kaya milyon pa, ok lang na lumayo pa sila, tutal, hindi naman nila pera ang gamit nila.

Ito ngang lokal na pamahalaan ng tawid-bakod lang na Olongapo, sa mamahaling resort pa sa loob ng Subic Bay Feeport nag-i-strategic planning kuno pero pulitika naman ang usapan, ayon sa report sa atin ng ilang taga-loob ng gobyerno mismo.

Pero hindi iyan ang topic natin at Ito Ang Totoo: maraming tao, may pinag-aralan o wala, lalaki o babae, bata o matanda, mayaman o mahirap, na kung tawagin ang Subic Bay Freeport ay SBMA na daglat ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Sa pamamagitan ng batas na R.A. 7227 ay nilikha ang Subic Bay Freeport & Special Economic Zone at SBMA.

Pinangalan ang dating base militar ng mga Amerikano na Subic Bay Freeport & Special Economic Zone, Subic Bay Freeport, for short, at ang taga-pamahala nito ay ang Subic Bay Metropolitan  Authority o  SBMA, ayon iyan sa R.A. 7227.

Kaya kapag may nagsabing pupunta ako sa SBMA, uuuuungttt mali iyon, dahil hindi naman napupuntahan ang SBMA dahil hindi naman ito lugar, authority nga, eh.

Pwede pa kung ang pupun-tahan ay opisina ng SBMA. Kung hindi SBMA ang tamang tawag, ang tama ay, at Ito Ang Totoo: Subic Bay Freeport.

Dapat ring mailinaw na ang Subic Bay Freeport ay hindi bahagi ng Subic, Zambales, gaya ng ipinagwawagaywayan ng isang television morning show na nag-live sa Subic Freeport kamakailan.
Nakalagay sa tv screen: Subic, Zambales. Uuuuunnnnngttttt, mali iyon.

Tumatayong indipendiente ang Subic Bay Freeport, hindi saklaw ng Zambales, maging ng Olongapo at Bataan, hindi rin, bagamat malaking bahagi ng teritoryo nito ay mula sa nabanggit na tatlo.

Ito ang punto: huwag na tayong maging instrumento ng pagpapalaganap ng mali.

Pangalan lang, sabi ng iba. Oo, pero mali pa rin, at, mahalaga ang pangalan, noh.

Mahirap masanay sa mali dahil kapag nakasanayan, pwede itong lumala. Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cellphone no. 09994001162 o sa Facebook http://www.face-book.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/14387620-9055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply