Mambabatas pinuri si JPE sa pagiging patas

PINURI ni  Zambales Rep. Mitos Magsaysay  si  Senate President Juan Ponce Enrile sa pagiging patas sa pagdinig sa testimonya ni Chief Justice Renato Corona maging sa kanyang pagdedesisyon sa kontrobersiyal na pag alis ng Punong Mahistrado sa witness stand ng walang pahintulot sa Presiding Officer.

Hiniling naman ng mambabatas na hayaan muna ng sambayanang Pilipino na matapos ang mga pagdinig at alamin ang lahat ng impormasyon sa kaso bago husgahan si CJ Corona na inaasahang haharap pa sa cross examination ng prosekusyon.

“Kahanga  hanga ang talino at husay ni Senate President Enrile at ipinamalas niya ang kanyang pagiging patas sa kaso nang hayaan niyang idepensa ng Punong Mahistrado ang kanyang sarili laban sa mga paratang. Lalo na ng ipagtanggol niya ang karangalan ng Senado bilang impeachment body na hindi sinasadyang nabalewala nang  umalis ang Chief Justice ng walang pahintulot.”

“Ngunit hindi pa naman tapos ang pagdinig sa kaso. Narinig na ng taumbayan ang panig ni Chief Justice Corona ngunit kailangan pa rin siyang sumagot sa mga katanungan ng presekusyon. Kung siya ay babalik o hindi ay nasa kanya ang desisyon na ito ngunit sana ay hayaan muna nating matapos ang paglilitis at alamin ang buong kuwento bago tayo maghusga,” aniya.

“Nauunawaan ko ang karamdaman ng Chief Justice ay hindi biro lalo na at humaharap siya sa matinding pagsubok sa kanyang karera ngunit natutuwa naman ako at kahit paano ay naipabatid niya ang kanyang panig. Sana ay makabalik siya sa witness stand upang masagot ang mga natitirang katanungan ng mga mamamayan bago magbaba ng hatol ang impeachment body,” aniya.

Ani mambabatas, malaki ang kumpiyansa niya sa mamamayang Pilipino at sa impeachment body na gagawa ang mga ito ng tamang desisyon dahil mahabang panahon na rin ang iginugol ng sambayanan para pakinggan at suriin ang mga kwento at ebidensiyang iniharap ng magkabilang panig.

“Sana ay matapos na ito agad para tayo ay makausad na sa paglutas ng iba pang problema n gating bayan.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply