Mamumuno sa Asean Single Window (ASW) Steering, Pinay

INIUPO ng mga representante mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang bagong tserman para mamuno sa mga ikakasang proyekto at aktibidades.

Ang napili ay ang Pilipinas sa katauhan ni Bureau of Customs Deputy Commissioner Ma. Caridad P. Manarang, bilang bagong ASW Steering Committee chair.

Tatlong bansa ang ikinokonsidera para maging tserman ng ASW Steering Committee at ito ay ang Brunei, Malaysia at ang Pilipinas. Umatras naman ang Brunei habang ang Malaysia naman ay sasama sa agos kung sino ang majority choice.

Ilan sa mga pivotal role ng ASW ay ang pormulasyon at implementasyon ng  rules at procedures para sa trade facilitation.

Regular na magpupulong ang mga representante para bigyan ng ideya ang kanilang ASEAN counterparts sa business arrangements sa pag-adopt ng kanilang napiling agenda.

Ang pagpili sa Pilipinas para maging tserman ng Steering Committee ay manipestasyon ng tiwala ng ibang ASEAN Member States sa kakayahan ng Bureau of Customs sa ilalim ng liderato ni Commissioner Rufino B. Biazon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply