Manahimik na ang CIDG

SIMULA noong isang linggo, halos “no comment” lang ang isinasagot ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Mario dela Vega sa tuwing tatanungin siya ng mga mamamahayag kung ano ang ligal na hakbang na kanilang gagawin laban sa mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nag-aakusa sa mga tauhan ng una na kidnapping for ransom (KFR) ang talagang lakad ng mga ito.

Ilang mamamahayag na rin ang nagsulsol kay Gen. Dela Vega na magpa-presscon upang sagutin ang akusasyon ng CIDG na nanghihingi sila ng P20 milyon sa naarestong United States fugitive na si Marilyn Ong at kasamang si Edna Alfuerto, kapwa akusado ng korte sa kasong paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o talbog na tseke.

Subalit iisa lang ang sagot ng mahinahon na heneral – “I don’t want to look defensive.”

Tama naman ang paninindigan ni Gen. dela Vega na may mga hawak silang ebidensya na magsasalita para sa kanilang mga naging aksyon laban sa mga hakbang naman ng CIDG.

Kung babasahin ang mga pangyayari, sa simula pa lang ay makikitang nasa CIDG ang mga pagkakamali. Sila ang naging problema dahil nagpakilala na ang mga tauhan ng QCPD subalit hindi nila pinansin sa halip ay kanilang tinutukan ng baril, dinisarmahan, pinosasan at pinadapa bago pinagtatadyakan.

Kaya naman nang magresponde ang buong unit ng QCPD, galit na hinarap ni Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section, si Chief Insp. Reynaldo Magdaluyo, hepe naman ng CIDG-Central, na pakawalan ang kanyang mga tauhan, isauli ang mga inagaw nilang convict bago pa iparatrat sa mga tauhan ng QC na pawang nakatutok ang mga baril.

Kaya naman nang magresponde ang buong unit ng QCPD, galit na hinarap ni Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section, si Chief Insp. Reynaldo Magdaluyo, hepe naman ng CIDG-Central, na pakawalan ang kanyang mga tauhan, isauli ang mga inagaw nilang convicts bago pa iparatrat sa mga tauhan ng QC na pawang nakatutok ang mga baril.

Hindi na kapani-paniwala ang CIDG sa sinasabi ng mga ito na hinihingian ng mga tauhan ng QC ang convicts dahil kaagad nila itong iniulat sa complainant ng kaso laban kina Ong at Alfuerto.

Ang nakababaliw pa, nang lumutang ang isa sa mga subject ng warrant of arrest ng QCPD ay inieskortan ito ng mga tauhan ng CIDG. Ibig sabihin, engot ang mga taga-CIDG dahil hindi nila alam na convicted ang kanilang binabantayan.

Pero buking na ang CIDG dahil sinabi ng complainant na noon pa lang Abril 2011 ay humingi na siya ng tulong sa nasabing unit para maaresto sina Ong at Alfuerto. Malamang nagbigay ng panggastos ang complainant pero ginawa lang siyang “baka” ng mga pulis na nilapitan niya habang “gatasan” din ang ginawa kina Ong at Alfuerto kaya naman nang hulihin ang mga ito ay pinalabas ng CIDG na dinukot.

Bakit nga hindi eh mawawalan sila ng gatasan. Malaking halaga ang ibinibigay sa kanila ni Ong at Alfuerto huwag lang malagay sa hoyo (kulungan).

Isa pa, kung talagang KFR ang dumukot sa mga baka nila, bakit hindi sila lumapit sa Anti Kidnapping Task Group dahil kapitbahay lang naman nila ito sa Camp Crame bukod pa sa hindi naman sila pinapayagang mag-operate ng ganoong trabaho.

Naku, manahimik na lang ang CIDG kaysa mabaon pa sila sa mas malalim na problema. Kapag hindi sila tumigil sa kangangawa, tiyak na mas marami pang problema ang makakalkal laban sa kanila dahil magdududa na ang mga taong humihingi ng tulong sa kanila. At tanggalin ang sumbungerong opisyal ng CIDG na pawang mali ang ibinulong sa kanyang boss.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply