Manggagawa mas mahalaga sa tubo – Tagle

TINIYAK ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na isinusulong ng Simbahang Katolika ang wasto, makatarungan at makataong patakaran sa mundo ng paggawa.

Sa kanyang Labor Day message na binasa sa Labor Day Mass sa Quiapo Church, sinabi ni Tayag na ang taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa ay magandang pagkakataon din para sa Simbahan upang maipahayag ang pasasalamat at malasakit para sa mga manggagawa.

Ipinaalala rin ni Tagle sa publiko na sa pamamagitan nang paggawa ay nakikita ang bokasyon ng tao bilang kaugnay, kawangis at Katiwala ng Diyos sa pangangasiwa ng mundo.

Iginiit pa ng arsobispo na ang paggawa ay karapatan at tungkulin ng tao upang ipahayag  at alagaan ang kanyang dangal.

Kailangan aniya ang paggawa upang makabuo at magtaguyod ng pamilya para magkaroon ng ari-arian at makatulong sa pangkalahatang ikabubuti ng lipunan.

Sinabi pa ni Tagle na kailangang magtrabaho ang tao upang matupad ang bokasyon niya mula sa Diyos, upang lumago ang kanyang pagkatao at upang makatulong sa ikabubuti ng pamilya at lipunan.

Nanindigan din si Tagle sa turo ng simbahan na ang manggagawa ay higit na mahalaga kaysa sa kapital at tubo (profit).

Kaugnay nito, nanawagan si Tagle sa publiko na makinig sa panawagan ng Simbahan na igalang lagi ang prayoridad ng tao at ng kanyang dangal at tularan si Hesus na huwaran ng paggawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply