Mangingisda todas sa kidlat sa Masbate

NATUSTA ng buhay ang isang mangingisda nang tamaan ng kidlat habang nangangawil sa karagatan ng Masbate kagabi (Mayo 22).

Halos hindi na makilala dahil sa tinamong third degree burns sa halos kabuuan ng katawan ang biktimang si Albert Garcia, 24-anyos, residente sa bayan ng Claveria sa nasabing lalawigan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 kagabi sa karagatang sakop ng Claveria, Masbate.

Bago ito, nangangawil ang biktima kasama ang dalawa pang mangingisda sa naturang karagatan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi naman natinag ang biktima at nagpatuloy sa pangangawil at idinahilan na kapag malakas ang ulan ay maraming mahuhuling isda.

Pero biglang sumagitsit ang kidlat at tinamaan ang biktima at nahulog ito sa bangkaang sinasakyan.

Pagkalipas ng ilang oras, nakita ang sunog na bangkay ng biktima na lulutang-lutang sa karagatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply