Manoling pinakakasuhan na ng Comelec

IPINAG-UTOS na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manuel ‘Manoling’ Morato sa korte, dahil sa umano’y paglabag sa Omnibus Election Code.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento, nakitaan nila ng “findings of guilt” ang mga kaso ng electioneering na inihain laban kay Morato.

Ang kaso ay nag-ugat sa inihaing reklamo ni Atty. Bonifacio Alentajan laban sa dating PCSO chair.

Ayon kay Alentahan, iniendorso ni Morato ang kandidatura ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pagkapangulo noong 2010 elections sa kanyang programa sa telebisyon na “Dial M” na umere sa PTV 4 at IBC 13.

Batay sa reklamo ni Alentajan, inakusahan nito si Morato nang paggamit ng pondo ng PCSO para sa pagpapatakbo ng kanyang programa kung saan siya ay lantarang nangampanya para sa mga kandidato noon ng administrasyon.

Gayunman, nilinaw ni Comelec Chairman Sixto Brillantes,J r. na maaari pang maghain ng apela o motion for reconsideration ang panig ni Morato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply