Mapanganib si Bradley – Sulaiman

PINAYUHAN ni World Boxing Council president Jose Sulaiman si pound for pound king Manny Pacquiao na mag-ingat kay undefeated light welterweight champion Timothy “Desert Storm” Bradley sa gagawing pagdepensa sa kanyang WBO welterweight title sa MGM Grand Garden Arena sa June 9.

Hanga naman si Sulaiman sa ipinakikita ni Pacquiao kung saan nagseseryoso ito sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan.

Subalit sinabi ng WBO prexy na gutom na boksingero si Bradley kaya dapat din itong seryosohin ng Pambansang Kamao ng bansa.

Isinalarawan ni Sulaiman si Bradley bilang mabilis, malakas sumuntok at matalinong boksingero na maaaring magdulot ng problema at magbigay ng parusa sa Pinoy pride.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply