Mapanlinlang na agency dapat nang tugisin

BIGYAN natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang isang text message mula sa isa sa  mga  masusugid nating reader.

Gaya ng lagi nating sinasabi, hindi natin personal na opinion at reaction ito kundi base sa mga text message na itine-text sa atin.

Kung mayroon man kayong gustong linawin ay malaya ang espasyong ito para sa inyo.

Basahin natin ang nila-laman ng text message sa atin.

Dear Sir Johnny, para maalarma ang taumbayan at ‘di na makapanloko pa sa mga inosenteng aplikante na gustong makapag-abroad ay pakitawagan ng pansin si Mayor Fred Lim, ang NBI, PNP at POEA dahil sa hanggang ngayon ay aktibo pa ring nag-ooperate ang Javier Manpower International Services sa Sinagoga St., Malate, Manila.

Minsan nang ni-raid ng CIDG ang nasabing agency pero nakapagtataka  kung bakit nakapag-operate pa rin  ang mga ito. At nakontak pa rin nila ‘yung mga dating aplikante nila, muling nakuha ang tiwala ng mga ito at muling nakapaglagak sa kanila ng salapi. 2012 na wala pa ring nakaaalis sa mga na-recruit nilang aplikante.

Mabangis ang mga nag-ooperate ng Javier Agency gaya ni Allan Chua Garboso. Pakisama lang sa list ng hold departure order dahil sa niloko kami sa pangakong makaaalis papuntang Guam  at hiningan kami ng malaking pera. Ngayon ay nagtatago na siya.

PULIS BA O PULISAN SI COLONEL?

Ibang klase itong si Col. Villanueva ng Police Provincial Support Group (PP-SG) na dating Police Provincial Moblie Group (PP-MG). Sa halip na siya ang mangunang magpatigil ng iba’t ibang iligal na pasugalan sa Nueva Ecija, siya pa ang promotor sa nagpapakolekta ng intelihensiya sa tong-collector nitong si alyas Labo.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o email: juandesabog  @yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply