Marathon probe vs Panamanian diplomat aprub na

APRUB na sa Senado ang resolusyon ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na magkaroon ng mabilisang imbestigasyon kung bakit nakaligtas sa kasong rape ang isang Panamanian diplomat.

Sa ginanap na plenaryo nitong Martes, walang pagtutol na inaprubahan ng Senado ang mosyon na magkaroon ng marathon hearing sa imbestigasyon sa isyu kung bakit nakaligtas ang isang Panamanian diplomat sa kasong rape.

“Magkakaroon tayo ng marathon hearing dito,” giit ni Sen. Loren Legarda, chairman ng Senate committee on foreign relations matapos aprubahan ni Senate President Jinggoy Estrada ang mosyon ni Sotto.

Sa kanyang privilege speech nitong Martes, sinabi ni Sotto na dapat magkaroon ng mabilisang imbestigasyon upang matiyak na mabibigyan ng katarungan ang biktima at papanagutin ang Panamanian diplomat.

Iginiit pa ni Sotto na nakaligtas si Schcks sa paglilitis dahil nagpalabas ng tatlong magkakasunod na sertipikasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbibigay ng diplomatic immunity sa naturang Panamanian diplomat.

Kaugnay nito, inayudahan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang panawagan ni Sotto kaya inatasan nito ang Senate committee on foreign relations sa pamumuno ni Legarda, at Senate committee on justice and human rights sa pamumuno ni Sen. Chiz Escudero na kaagad magsagawa ng imbestigasyon.

Kaugnay nito, hiniling naman ni Escudero sa pamahalaan na kaagad bigyan ng legal assistance ang biktima upang maipagtanggol ang kanyang sarili alinsunod sa itinakda ng Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply