Margarito hindi makalakad

HALOS hindi na makalakad si three-time world champion Antonio “Tijuana Tornado” Margarito (38-8, 27KOs) na biktima ni Manny Pacquiao noong 2010 dahil sa injury sa paa.

Dahil sa pangyayari ay ipinagpaliban ang laban ni Margarito kay Abel Perry (18-5, 9KOs) ng Colorado Springs, CO.

Ito sana ang unang laban ni Margarito mula nang magtamo ng TKO loss kay Miguel Cotto noong isang taon.

Wala pa namang pahayag ang kampo ni Perry kung sino ang haharapin nito sakaling matuloy ang sa orihinal na petsa.

Samantala, nagbanta si Saul “Canelo” Alvarez na tatalunin niya si “Sugar” Shane Mosley sa kanilang bakbakan bukas sa Mayweather-Cotto undercard.

“I’ve prepped very well for this fight,” pahayag ni Alvarez. “Mosley’s a great champ and has accomplished so much. I’ve trained hard, I’m ready and I feel like I’m going to win this fight. It’s going to be a victory for Mexico.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply