Marianita afraid mag-comment kay Angel Locsin!

AYAW mag-comment ni Marian Rivera sa napipintong proyekto na pagsasamahan nina Angel Locsin at Dingdong Dantes. Hindi naman daw siya kasali run kaya ang dapat lang daw pag-usapan ay ang bago niyang sitcom sa GMA7 na “Tweets For My Sweet” kung saan ay kasama sina Roderick Paulate, Sheena Halili, Chef Boy Logro, Elmo Magalona, Barbie Forteza, Mikey Bustos at Ms. Nova Villa. Ito’y sa direksyon ni Uro dela Cruz.

Hindi kaya siya magselos kay Angel?

“Ako na naman?” sey lang niya.

Balitang si Angelica Panganiban ang makakasama nina Dong at Angel sa direction ni Ruel Bayani.

Ang challenge ngayon ay kung maulit ang box office success ng pelikulang ‘No Other Woman’ nina Derek Ramsay, Anne Curtis at Cristine Reyes sa bagong ididirek ni Ruel Bayani.

Balita kasing ambisyon ng proyektong ito na maulit ang kinita ng ‘No Other Woman’ kina Angel, Dingdong at Angelica.

Talbog!

-0o0-

NAOSPITAL pala ang bida ng Bi-ag ni Lam-ang na si Rocco Nacino na kinunan sa Ilocos..

Namaga raw ang kanyang mukha at nagkaroon siya ng mga pantal sa katawan matapos kumain ng tahong at itlog ng malaking langgam. Pero ayon sa line producer na si Dennis Evangelista, okey na ngayon ang actor at pwede nang kunan dahil nag-subside na ang pamamaga.

“Well, my face is swollen. Pero doctor says I‘ll be fine basta ituloy ko yung gamot na ininom ko.. Eto puro pantal ang katawan. Namamaga ang leeg at mukha,” sey ni Rocco sa isang panayam.

Last day nila ngayon para sa first leg shooting ng Bi-ag ni Lam-ang at bukas ng after lunch ang uwi nila.

Si Rocco ang hinuhulaang magiging malaking artista ng Kapuso Network basta’t mabuild-up lang siya nang husto at ‘di mapabayaan. Ang ganda ng takbo ng career niya ngayon. Leading man sa teleserye, may title role na pelikula na ginagawa at humahakot ngayon ng awards bilang baguhan.

Anyway, isa si Rocco sa mapanonood sa May 5 sa fund raising show ng PMPC sa Zirkoh, Morato, 9 p.m. para sa medical assistance program na pinamagatang All For The Love of Juan kung saan ay tampok din sina Jose Manalo, Wally Bayola, Toni Gonzaga, Albie Casino at Steven Silva. Maghahandog din ng awitin sina Michael Pangilinan, DK Valdez, The Frontmen at Divalet. Si Governor ER Ejercito ang major sponsor ng show na ito at siya rin ang mangunguna sa launching ng PMPC website sa Zirkoh.

Bongga!

-0o0-

HINDI matatawaran ang pagmamahal ni Willie Revillame sa mga senior citizens. Ito ang priyoridad niyang paligayahin sa kanyang show na ‘Wil Time Big Time’ ng TV5.

Nu’ng Huwebes, isang matandang babae na sumakay pa ng barko from Bacolod City ang nagpunta sa TV5 para makita ang ‘generous’ na TV host.

Niyakap ni Wil ang matanda at binigyan ng P20,000.00 bukod pa sa mga giveaways like jacket, cellphone at iba pang products.

Kilala naman si Willie na matulungin lalo na pag hindi imbento ang mga sinasabi at nararamdaman niyang totoo ang iyong sinasabi

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply