Marianita ‘di kaya magwala?: Dingdong daring sa kanyang latest movie sa Star Cinema

KNOWING Marianita Rivera, the aging actress, kapag nakita nitong close na ang kanyang Papa Dingdong Dantes sa leading-lady nito ay pa-simple na siyang gagawa ng eksena. Pero if ever na maging closy-closy nga itong si Dong sa bagong kaparehang si Angelica Panganiban sa latest movie nila sa Star Cinema kung saan magpapaka-daring na sa pagkakataong ito ang sikat at gwapong aktor, ma-carry kaya ni Marianita ang palabang powers ni Angelica?

Knowing this young comedy actress, wala siyang inuurungan. So, papano na si Marianita? Sasarilinin na lang ba nito ang pagka-imbiyerna niya sa ex ni Derek Ramsay? (‘Di pa ex te. Sila pa rin! – Ed) Saka, busy ang hitad sa kanyang My Gilagid at dramedy tapings so she had no enough time na magbantay sa set ‘di ba?

Hay naku! Kalokah ‘yung reactions ng ilang avid texter namin sa Star Na Star sa DWIZ(882 khz) with my BFFT Pete A. and Papa Abs Talu-Talo y Mr. Umang, na hindi raw ang bidang si Marianita ang panonoorin ng otaw sa kanilang bagong Sunday dramedy kundi ang ka-level sa kapangitan ni Bubonika Bubog na si Chef Boy Logro.

My goodness! Very insulting naman ang komentong ito para kay Marianita na siyang star tapos magiging starlet lang siya ng Chakang cook master sa kusina. How sad naman gyud!

***

Showbiz Inside Report parami nang parami ang viewers worldwide!

KUNG ang katapat nilang showbiz talk show ay rito lang sa Mega Manila in, ang Showbiz Inside Report ay hindi lang nationwide ang viewership nila kundi pinapanood rin sila sa iba’t ibang bansa na mga subscribers ng sikat na The Filipino Channel (TFC). Korek! At pagdating sa mga hot issues at true to life stories ng inyong favorite celebrities hindi nagpapahuli riyan ang S.I.R as hosted by Ms.Janice de Belen, Carmina Villaruel, Joey “Tsong” Marquez and entertainment columnist actor/host Ogie Diaz.

Kaya nga bawat episode ng kanilang show ay trending worldwide sa Internet kasi naman very interesting at shocking ang mga revelations rito ng mga artistang pini-feature nila like Iggy Boy kung saan first time nalaman ng public na minsan sa kanyang buhay ay gumamit siya ng drugs at ipina-rehab ng kanyang Mommy Janice de Belen.

At kung last week ay maraming nag-enjoy sa Piolo Pascual and Xian Lim Expose ng S.I.R., huwag na huwag ninyong palampasin ang episode nila bukas (Mayo 12). Kaya hawak sa inyong mga kinauupuan at sabay-sabay nating panoorin ang mga totoong istorya sa likod ng bangayan ng dating mag-syotang Andi Eigenmann at Albie Casino at ang talk of the town worldwide na banggaang Mon Tulfo at Santiago couple na sina Claudine Barreto at Raymart Santiago. Isa-isang hihimayin ito bukas sa Showbiz Inside Report at kayo na ang bahalang humusga.

Ang S.I.R ay napapanood tuwing Sabado pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya network. Said show is directed by Arnel Natividad at Executive Producer naman nito ay si Ms. Grace Manuel. Siyempre, head naman ng production team sina Sir Louie Andrada (business unit head), our beloved Angel Roxy Liquigan and Sir Mico del Rosario.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply