Marikeño: Ibang mag-alaga at trumabaho

NAPABILIB na naman ako sa mga kapwa kong taong gobyerno ng pamahalaang lokal ng Marikina nang mapansin kong naayos na ang isang sakit ng ulo naming mga taga Norte pag pauwi kami habang bumabaybay sa A. de Guzman Street.

Ito yung higit sampung horizontal manhole na dating steel bars lang ang takip.

Ang problema, dahil sa mga asphalt overlay na mas mataas kaysa sa mga takip ng manholes, nalulubak nang matindi ang mga motorista tuwing nadaraanan ang mga ito.

Mahirap iwasan kasi nasa gitna ng northbound lane.

Kawawa ang mga sasakyan, lalo na kung araw-araw kang nadaraan dito.

Kaya nga ang laki ng tuwa ko noong Sabado nang mapansin na sementado na ang takip nito na pantay sa asphalt overlay. Smooth na pag nadaanan ng gulong!

Kudos kay Marikina Acting City Administrator Victoriano Sabiniano Jr. at Assistant City Engr. Kennedy Sueno!

Siyempre, kasama riyan ang buong engineering department.

Salamat sa mga trabahador at supervisor na nag-aayos ng manholes sa A. de Guzman. On-going pa rin ang pagpalit ng iba pang takip.

Panawagan sa mga taga A. de Guzman: kayo na po ang bahala sa mga trabahador ng engineering natin diyan.

Malamig na tubig lang, malaking bagay na po iyon sa kanila.

Sa amin kasi sa Marikina, may kaugalian na inaalagaan ng mga residente ang mga empleyado ng city hall kapag may ginagawa sa tapat ng bahay nila.

Sa sobrang tuwa kasi na sinesementuhan na ang kalye nila, nililinis ang kanal nila, pinuputol ang mga sanga na tumatama sa kawad ng Meralco, o kahit simpleng winawalisan lang ang kalye nila – tinutumbasan nila ito sa pangangalaga sa pamamagitan ng pagbigay ng palamig o tinapay.

Siyempre, meron ding  mas galante at pansit o kanin at ulam na mismo ang hinahanda pag pinatutuloy pa sa bahay.

Sa mga misis naman ng mga taga-engineering … paniwalaan n’yo naman pag sinabi ng mga mister n’yo na galing sila sa buhos nitong mga nakaraang araw.

Marami kasing pinagagawa si Mayor Del de Guzman sa kanila.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply