Marquez vs Gesta tuloy!

HABANG papalapit na ang July 14, petsa ng pagbabalik ni Mexican multi-division world champion Juan Manuel Marquez, lumalakas ang pag-asa ni Pinoy prospect Mercito Gesta na makaharap ang kampeon.

Kung sakaling matuloy, gaganapin ito sa Cowboys Stadium sa Texas.

Subalit isa rin sa mga matunog na maaaring makaharap ni Marquez ay si undefeated former world champion Brandon “Bam Bam” Rios.

Hindi naman kasama si Mexican rival Erik “Terrible” Morales sa mga pinagpipilian.

Bukod kay Gesta, kasama rin sa mga opsiyon sina Cesar Cuenca at Zab Judah na parehong gustong makaharap ni Marquez dahil sa pagiging kaliwete ng mga ito.

Matatandaan na si Marquez ay nanood ng laban nina Mayweather at Cotto sa Las Vegas at inaasahang manonood din ng laban nina Manny Pacquiao at Tim Bradley.

Maghaharap naman sa June 23 sina multi-division world champion Humberto “Zorrita” Soto at Lucas Matthysse para sa WBC interim super lightweight world title.

Samantala, umiinit na rin ang inaabangang laban nina WBA/IBF/IBO/WBO Heavyweight Champion Wladimir Klitschko at IBF mandatory challenger Tony Thompson sa  Stade de Suisse football stadium sa Bern, Switzerland sa July 7.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply