Maryo J. delos Reyes, naging bahagi ng buhay ang mag-alaga ng talent

HINDI nagma-manage si Direk Maryo J. delos Reyes para kumita ng pera. Naging parang advocacy na nitong tumulong sa mga talent na lumalapit sa kanya. Kapag tinanggap ka niya, tiyak na may nakikita siyang talent sa ‘yo at may K ka.

Nang minsan naming makahuntahan si Direk Maryo sa opisina niya sa West Avenue, QC, nasabi niyang mabubuhay na siyang marangya sa pagiging top drector ngayon ng GMA7 lalo na’t sunud-sunod na hit soap opera ang kanyang naibibigay sa Siyete, kabilang na nga rito ang back-to-back hit niyang Munting Heredera at ang katatapos pa lang na Biritera na nagpasikat sa batang actress na si Roseann Magan.

Naikuwento ni Direk Maryo na naiisip din niya na sa ginagawa niyang pagma-manage sa mga talent ay nakapagbibigay siya ng trabaho at opportunidad sa mga gustong maging actor, kabilang na nga rito ang award-winning actor na si Yul Servo na ngayo’y konsehal na ng Maynila.

Si Maryo J rin ang muling nagpabango sa pangalan ng vice mayor ng Manila na si Isko Moreno dahil naibalik niya ang acting career nito bago siya nahalal bilang vice mayor ng siyudad. Ilang soap opera ang nalabasan ni Isko at sana’y may acting job pa rin ito. Kaya lang, di na talaga kaya ni Isko ang tumanggap ng taping dahil sa pagiging busy sa politics ngayon.

***

KAHIT wala na si Anthony Linsangan sa buhay ni Camille, very close pa rin siya sa pamilya nito. Nang huling nag-trip sa abroad ang pamilya Linsangan ay kasama silang mag-ina. Lungkot na lungkot si Camille dahil siya lang ang walang partner na asawa. Dati kasi, kapag may ganitong okasyon ay kasa-kasama niya si Anthony.

After three months vacation sa tapings, pagkatapos ng 10 buwan na pagti-taping ng Munting Heredera, lumarga na naman sa trabaho si Camille bilang artista via Luna Blanca. Bale si Camille ang ina ng kambal na sina Luna at Blanca at asawa niya rito si Raymart Santiago na lalabas na ama ng mga bata.

Mas gusto ni Camille ang laging nagti-taping sa panahong ito dahil sa naalala pa rin niya ang namayapang asawa lalo’t nag-iisa lang sa bahay.

‘Di ikinakaila ni Camille na may nagpaparamdam ding manliligaw sa kanya pero ‘di pa raw sumasagi sa isip niya na tumanggap ng suitors sa ngayon.

Minsan pa nga raw, ang mismong mga in laws niya ang nag-uudyok sa kanya na muling makipagkilala sa mga lalaki pero pangako ni Camille na hangga’t hindi siya nakakikita ng sign sa namayapang asawa na nagpapahintulot sa kanya na muling tumanggap ng manliligaw ay ‘di niya ito gagawin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply