‘Mas masaya sa Pilipinas’ magpupulong

UMAASA si Vice President Jejomar Binay na nasiyahan ang mga delegado sa katatapos na pagpupulong ng Asian Development Bank (ADB) sa kanilang apat na araw na pananatili sa Pilipinas.

Ayon kay Binay, bagama’t naging maigsi ang pagbisita sa bansa ng mga delegado, nasiyahan naman ang mga ito sa mga nakitang tanawin sa Kamaynilaan.

Tiwala rin ang Bise Presidente na sa pag-uwi ng mga delegado sa kani-kanilang bansa ay ipamamalita ng mga ito sa kanilang kamag-anak na masayang magdaos ng pagpupulong sa Pilipinas.

Bago umuwi noong Sabado, nasaksihan ng mga finance manager, central bank chief at financial executives ang isang pang-kulturang pagtatanghal sa SMX Convention Center.

Umaasa rin si Binay na dadami pa ang makukuhang ayuda ng bansa matapos ang isinagawang pagpupulong dahil nakita naman ng mga delegado na tapat sa mahusay na pamamahala si Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply