Mas okay ng si Jessica ang kumita sa Pinas kaysa kay Lady Gaga!

DALAWANG half-Pinay na Jessica pala ang sikat sa mundo ngayon: ang armless licensed pilot-diver na si Jessica Cox at ang American Idol finalist na si Jessica Sanchez.

Napanood namin sa Balitang Amerika sa ABS-CBN Channel (ANC) kamakailan lang na nagpakasal na pala si Cox sa isang Kano na normal (meaning, may dalawang kamay at paa, at siguro naman ay may genitals at walang erectile dysfunction). Sa Mexico sila nag-honeymoon.

Mga paa ni Cox ang gamit n’ya sa maraming bagay na kamangha-mangha n’yang nagagawa. Paa ang ginamit n’ya sa pag-inom ng champagne nung kasal n’ya, at paa rin ang ginamit n’ya sa paghiwa ng cake. (Hindi namin napansin kung may video rin na sinusubuan n’ya ng cake ang bago n’yang mister– gamit pa rin ang isa sa kanyang paa.)

Sa panonood namin ng report na yon sa ANC, napag-alaman namin na marami pa palang ibang babae ang gaya ni Jessica Cox na isinilang na armless (walang mga braso at kamay). May tatlo o apat na babaeng guests sa kasal na armless rin, at mga kaibigan sila ni Cox. Dahil kitang-kita nila ang ebidensya na may lalaking pinakasalan si Cox, umusbong sa kamalayan nila na sa kanila man ay may magkakagusto rin sa paglaon.

Wala nga pala kaming narinig sa ulat na yon kung ano ang hanapbuhay ng lalaking yon (na ang apelyido ay di namin matandaan, sorry) na gwapo naman at higit ang taas (height) kesa kay Cox. At hindi naman po pipi, bulag, o bingi yung lalaki.

Saka parang ‘di naman purita (as in poor!) ang pamilya ni Cox dahil naka-afford ang ama at ina n’ya na paaralin siya hanggang college, pag-aralin ng Taekwondo (at naging blackbelter siya) at pag-i-scuba.

Hanggang nung 14 years old pala siya ay gumamit si Cox ng prosthetic arms (artipisyal na mga braso at kamay). Pero dumating nga sa puntong nagsawa siya sa mga yon, kaya nag-aral siyang gamitin ang mga paa n’ya na parang kamay. Nakapag-da-drive siya ng kotse at nakagagamit ng computer gamit ang mga paa n’ya.

***

SIXTEEN years old pa lang si Jessica Sanchez na Mexican ang ama. Bilang American Idol second placer, malamang na sisikat siya–at tiyak na darami ang manliligaw n’ya. Dahil magiging professional singer na siya, siguro naman ay hindi siya mag-aasawa nang maaga at hindi rin magpapabuntis agad. Siguro naman ay ‘di n’ya sasayangin ang oportunidad na sumikat at kumita nang limpak-limpak.

Siguro naman ay maglalaan siya ng panahon na dumalaw sa Pilipinas at mag-perform para sa mga Pinoy. Mas okey nang ang mga half-Pinoy ang sumugod sa bansa at kumita rito nang limpak-limpak kesa ang mga gaya ni Lady Gaga na magaling namang kumanta pero dinadaan ang lahat sa kalaswaan at kagagahang itsura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply