Mataas na kuwalipikasyon para sa iuupong PCA director kinontra

TUTOL si Philippine Coconut Authority (PCA) Administrator Euclides G. Forbes sa inilabas na Fit and Proper Rule for Appointive Directors and CEO of GOCC lalo na sa paragraph 5.3 ng article 5 na isinasaad na kailangang nakapagtapos ng kolehiyo at may limang taon na karanasan sa trabaho ang sinumang matatalaga na director ng nasabing ahensya.

Pinadalhan ni Forbes ng liham si Agriculture Secretary at PCA Governing Board Chairman Proceso J. Alcala na hiniling ng administrador na magkaroon ng pagbabago sa GCG Memorandum Circular No. 2012-5 na naghihigpit sa kuwalipikasyon ng maitatalagang board director ng PCA.

Hiniling ng administrador kay Secretary Alcala na makilahok at pangunahan ang paghimok sa GCG na tanggalin ang pamantayang dapat nakapagtapos sa kolehiyo ang maitatalagang director na GOCC na itinayo naman talaga para sa mga magniniyog.

Matatandaan na mismong si Secretary Alcala ay nagpadala ng hiwalay na liham kay Pangulong Benigno Aquino III na tumututol din sa parehong patakaran.

Hinihiling din ng kalihim na amyendahan o tanggalin na lamang ang college degree requirement bilang isa sa kuwalipikasyon para sa GOCC.

“The rule has been an item of concern for some heads of the attached agencies of the Department. This particular provision effectively disqualifies a large percentage of farmers and fisher folks from being appointed as director to related GOCC’s and ultimately from directly participating in the creation of policies and promotion of growth and development of the agricultural sector,” paliwanag ni Alcala

Naniniwala naman si Administrator Forbes na dahil sa nabanggit na probisyon, nobenta porsiyento (90%) ng mga magniniyog ang hindi na magiging kuwalipikado na maitalaga bilang director ng PCA Governing Board.

Kapag nagkaganito umano, hindi magagampanan ng PCA ang kanilang pangunahing tungkulin na isulong ang mabilis at pinagsama-samang pagpapaunlad at pagpapalago sa industriya ng niyog at palm oil na direktang pakikinabangan ng mismong mga magniniyog.

Madali naman umanong maamyendahan ang nasabing GCG dahil pinagtibay lang ito ng naturang tanggapan at hindi kailangan ang Kongreso para rito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply