Matandang binata utas sa boga sa Caloocan

TODAS ang isang matandang binata matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek habang naglalakad papauwi sa Caloocan City Martes ng gabi, Mayo 8.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Ernesto Santarin, 59, ng Libis Espina, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi habang naglalakad papauwi ang biktima nang pagsapit sa Sabalo St., ay pinaputukan siya ng suspek.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek.

Inaalam na ang mobito sa pamamaslang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply