Matapos patayin ang 2 kasama: Sekyu pinasabog ang sariling bungo

DAHIL lamang sa bangayan sa nawawalang service firearm, pinagbabaril ng isang guwardiya ang dalawa niyang katrabaho bago nagbaril sa sarili sa loob ng compound ng National Power Corporation (Napocor) kahapon sa Camp 1, Maramag, Bukidnon.

Base sa ulat sa Camp Crame, daglian ang inabot na kamatayan ng mga biktima na kinilalang sina Esteban Mabuti at Jose Mag-abo habang nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang suspek na si Aniano Elicot Jr., pawang security guard mula sa Double Top Security and Detective Agency.

Base sa report na ipinadala ni Sr. Supt. Rustom Duran, provincial police director ng Bukidnon Police Provincial Office, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Mag-abo at Elicot dahilan sa pagkawala ng isang service firearm. Nang hindi makapagpigil si Elicot, kinuha nito ang isang M-16 armalite rifle at pinagbabaril sina Mag-abo at Mabute na agad binawian ng buhay.

Nang bumulagta ang dalawang kasama ay binaril naman ni Elicot ang sarili gamit ang shotgun.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply