Matibay kahit kaninong panahon si Yuchongco?

SIMULA nang maupo bilang Pangulo si Pangulong Noynoy Aquino ay nakatatak na sa kanya ang slogan na “matuwid na landas.”

Gusto ni Pangulong Aquino na tahakin nang matuwid at malinis ang kanyang gobyerno lalong-lalo na ang lahat ng mga nakapuwesto  sa mga ahensiya ng kanyang pamahalaan.

Dapat pangunahan mismo ng Pangulo na kastiguhin ang mga korap at magnanakaw sa kanyang gobyerno para maipakita niya sa publiko ang bagsik ng kanyang liderato pagdating sa mga tarantado sa gobyerno.

Ihalimbawa na lang natin itong isang empleyado ng Bureau of Customs na si Joey Yuchongco. Hindi ko po kilala ng personal itong si Yuchongco pero base sa mga naglabasang balita sa iba’t ibang mga pahayagan, radio at telebisyon, sinipa ang mama dahil sa paglabag sa anti-graft  and corrupt practices act at tuluyang dinismis sa kanyang puwesto sa naunang desisyon ng Ombudsman.

Pero, “Diyos kong mahabagin…”, himalang nakabalik sa puwesto sa pamamagitan ng “midnight decision” ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez isang araw bago siya nag-resign  sa kanyang puwesto.

Tama lang talagang napatalsik si Merceditas dahil hindi niya alam ang kanyang mga pinaggagawa. Mantakin ninyo, si Yuchongco ay nadismis na ng Ombudsman dahil malakas ang ebidensiyang kurakot siya pero himalang binaligtad ni Merceditas.

Magkano kaya?

Hehe!

Masyado raw nagmumunini sa panahon ni dating Pang. GMA itong si Yuchongco at hanggang ngayo’y namumunini pa rin sa “tuwid na landas.”

SUGALANG PADER SA PAMPANGA

Walang katinag-tinag ang puwesto-piho na pergalan ni Boy Lim sa Apalit at Crossing ng San Fernan-do, Pampanga. Balita natin, untouchable ang pasugalan nito sa kapulisan.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply