Matitigas ang ulo

MILYON-MILYONG estudyante ang maglalakad sa kalsada sa darating na pasukan.

Hangga’t maaari, ayaw ko nang makakita ng mga batang sabog ang bungo, pilay o bulag sa mga lansangan.

Wataymen, ayaw ko na sanang makakita ng mga nadidisgrasyang mga bata sa bundol o sagasa ng mga sasakyan.

oOo

Sa mga ulat at sarili nating pagtingin sa mga pangyayaring ganito, maraming kaso ang nag-uugat sa kawalan ng pag-aaral at pagsunod sa mga simpleng batas ng trapiko.

Por eksampol, lumalabas na kung saan-saan lang tumatawid ang mga bata.

Kahit markado ang mga tawiran, hindi roon sila tumatawid kundi sa kung saan na lang sila naroroon.

Tamad din silang umakyat sa mga foot bridge para roon sila tumawid.

Nakikipagpatintero sila sa mga sasakyang dumaraan, mabilis man o mabagal.

Kahit may mga karatula na “Bawal ang tumawid dito, nakamamatay” o “May mga namatay na rito, bawal ang tumawid”, doon pa rin sila tumatawid.

Kahit maingat ang mga tsuper, dahil sa mga bayolesyon na sinasadya o ‘di sinasadya, mayroon at mayroon pa rin silang nadidisgrasya at naririyan na nga ang mga kamatayan, pagkabaldado at iba pa dahil sa behikular aksident.

oOo

Pero marami ring pagkakataong hindi sumu-sunod ang mga tsuper sa mga batas o patakaran sa trapiko.

Karaniwan kasing dapat na rahan-rahan ang takbo ng mga sasakyan sa mga school zone.

Pero may matitigas ang ulo.

May mga kaskasero at mayroon pa ngang hindi nagkukumpuni ng kanilang mga sasakyan laban sa disgrasya.

oOo

Sa mga ganitong pangyayari, dapat magtulong-tulong ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng mahigpit na pag-aaral para sa ligtas na paggamit ng mga lansangan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply