Matteo Guidicelli ‘di nagpabola at natukso sa TV5

KAHIT pa pareho sila ng manager (Joji Dingcong) ni Derek Ramsay ay hindi nagpabola at natukso itong si Matteo Guidicelli sa malaking offer na datung ng TV5 sa kanya. Ang said hunk actor kasi ang naging choice sana ng Kapatid Network para mag-host ng kanilang bagong Reality TV Show na Temptation Island, pero big “no!” ang naging sagot nito sa very tempting pa naman sanang offer sa kanya ng istasyon ng rich businessman na si Mr. Manny Pangilinan.

Ang sabi, kung ang manager nito na si Joji ang tatanungin ay aprub ito sa offer ng Singko, pero na kay Matteo ang final say kaya wala siyang nagawa kundi respetuhin ang naging desisyon ng talent na actor. Ang katuwiran naman daw ni Matteo, bakit pa siya lilipat eh very contended naman siya at masaya sa kanyang mother network na ABS-CBN at naririto rin ang girlfriend niyang si Maja Salvador, plus the fact na mayaman ang pamilya nito sa Cebu kaya’t carry talaga nitong tumanggi sa offer. Lalung-lalo na kung napi-feel nito na ikalalaos niya ang paglipat sa TV5. I’m convinced and agree gyud!

***

Magagandang bookings sa mga club sa Nagoya, Japan nasa ATD International Agency ni Anna Dizon

NA-WITNESS minsan ng inyong kolumnista ang pa-audition ng ATD International Services Incorporated owned and managed by former BMG Recording Artist/Businesswoman Anna Dizon para sa mga solo singer, duo, group at pianist. Ginaganap ang audition sa mga amateur and professional singers na ito sa mismong opisina ng ATD na located diyan sa Unit-11 B Gloria Bldg. No. 157 A. Bonifacio Ave., Cor. Agudo St., Q.C malapit lamang sa Bonifacio, Market. Wala kang itulak-kabigin dahil pare-parehong magagaling sila. At presto! marami sa kanila ang mga napipili at nabibigyan ng magagandang bookings sa mga sikat na club sa Nagoya, Japan. Sa mga pang-amateur level lang, hindi pa rin kayo uuwing bigo dahil puwede kayong i-book ni Anna sa bansang Korea. Siyempre, tuluy-tuloy pa rin ang recruitment ng kanyang agency para sa mga gustong magtrabaho bilang mga domestic helper sa Kuwait, Singapore, Hongkong etc.

By the way, sa lahat ng mga mag-a-apply, huwag kalilimutang magdala ng inyong resume, music materials, passport etc. Para sa mga karagdagan pang detalye, tumawag lamang sa (632)355-9180 at hanapin lamang sina Ms. Dina San Miguel at Ching Santos. By the way, kapag natapos na ang rennovation ng Villa Anna, hopefully by next month ay muli ng bubuksan sa publiko ang nasabing Paradise Resort and Hotel na matatagpuan sa Mabuhay 1 Socorro, Oriental Mindoro. We heard na gate pa lang nito ay ginastusan na ng halos 2 million.

Kabongga gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply