May-ari ng dolyar iba at ang mayorya vs Corona

MAGPAPAKITA na raw si Chief Justice Renato Corona sa impeachment ourt sa Senado sa Martes.

Ang sabi, pati pamilya niya ay sasama sa kanya bilang pagbibigay ng mga ito ng full support.

Right or wrong, all for one, one for all ang magaganap umano.

MABUTI KUNG MAGPAPAKITA

Talaga namang pinakamaganda kung magpakita si Corona para personal siyang matanong sa lahat ng mga akusasyon o bintang sa kanya.

Very intelligent accused siya at sa kanyang bunganga siya mabibingwit o hindi sa lahat ng mga ibinintang sa kanya.

Kabilang sa mga akusasyon sa kanya ang pagkakaroon umano nito ng malaking halaga ng dolyar sa bangko ngunit hindi nito idinedeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and NetWorth.

Kaya naman, sinasabing may itinatago na umano siyang yaman, nagsisinungaling pa siya sa kanyang SALN.

Sa kanyang pagpapakita at personal na pagharap sa pag-uusig sa kanya, personal niyang maipagtatanggol ang kanyang sarili mula sa mga bintang.

‘Yan ay kung papayagan siyang magsalita ng kanyang mga abogado.

IBA ANG MAY-ARI NG MGA DOLYAR

Pero paano kung lalabas o palalabasin niyang iba ang may-ari ng mga dolyar na nakapangalan sa kanya?

Halimbawa na lang ang naganap sa ilang lote at bahay sa Marikina City.

May umaangkin sa lupang sinasabi ng mga tagausig na pag-aari umano nina Chief Justice at waswit niyang si Cristina.

Uso yata ang estilong ito.

Mula noong nakaraang administrasyon hanggang ngayon ay ginagawa ito.

Maalaala ba ninyo ang tinutukoy natin?

He! He! He!

Pero paano nga kung talaga namang wala talagang pag-aaring dolyar si Corona?

Paano kung ang dolyar na yan ay katulad ng 45 na lote at bahay na iwinagayway noon na pag-aari niya at ni Cristina pero kakaunti lang pala talaga?

MAGKAKAGULO-GULO ANG LAHAT

Nakita na natin ang maraming yugto ng kasong impeachment case na ito.

Napakaraming twists.

Sa una, sure na sure ang conviction ni Corona.

Pero nang isalang sa mga cross at re-cross examination ang mga testigo, lumitaw ang mga malalabnaw na akusasyon.

Mayroon ding nakabitin na parang totoo ngunit nakabitin nga talaga at hindi basta pagbabatayan mo ng guilty na desisyon laban kay Corona.

Kung may pagdududa, pupuwede bang i-acquit si Corona?

Sa kasong kriminal kasi, kung may pagdududa sa bintang sa iyo at sa mga ebidensiyang inihain laban sa iyo, libre ka na sa kulong, libre ka pa sa danyos at pagkasibak sa puwesto.

13 ANG ANTI-CORONA

Ang sabi ng mga marurunong sa pagbibilang ng itlog, in the bag na raw ang 13 senador na kontra Corona.

Kailangan na lamang ang tatlong senador para maideklarang guilty si Corona, masibak sa puwesto, saka makaladkad sa Ombudsman at Sandiganbayan para makulong sa huli.

Pero mahirap magbilang ng sisiw hangga’t hindi napipisa ang itlog.

Walang nakasisiguro sa kung magiging guilty o innocent si Corona sa huli.

Lalo’t sinasabing magbabatay umano sa ebidensya ang mga senador sa kanilang paggawa ng desisyon.

Pero may nagsasabi namang pulitika o halalan sa 2013 ang malaking batayan ng boto ng mga senador.

Win or loss sa 2013 ang iniisip umano ng ilang senador sa kanilang pagboto.

Lalo na ang mga reelectionist.

Maaaring suwerte o malas sa kanila ang kanilang magiging desisyon.

PUWEDENG HINDI MASIBAK

Meron nga palang katotohanan ukol sa kasong impeachment.

Hindi lahat ng mga nai-impeach, kahit napatuna-yang nagkasala, ay masisibak sa puwesto.

Nangyari ito sa kaso ni dating US President Bill Clinton kaugnay ng pakikipagrelasyon nito sa isa niyang intern.

Personal umanong affair ang kinasangkutan niya kay Monica Lewinsky.

Eh ano kung pati tabako niya ay isinawsaw niya sa singit ni Monica saka niya sinamyo-samyo.!

Ehe-ehe-ehe!

Hindi umano impeachable offense ang ikinaso sa kanya.

Maalaala pa ba ninyo, mga Bro, na ito ang isa sa mga paulit-ulit na punto ng mga abogado ni Corona?

WAG MAGING EXCITED

Huwag maging excited, mga Bro, sa pag-appear ni Corona bukas sa impeachment court.

‘Yan ay kung magpapakita siya talaga at kung mapipilit siyang magsalita ng impeachment court dahil may abogado nga siya.

Irerespeto siya kasi ng buo ng mga senador.

Puwede siyang magsalita o hindi.

Hindi siya pupuwedeng piliting magsalita.

RIGHT VS SELF-INCRIMINATION

Ang inaasahan pa nga natin ay baka lalabas sa bibig ni Corona ang nauuso lagi sa imbestigasyon sa Senado na “I invoke may right against self-incrimination.”

Kung may aaminin  man ito, maaaring “pagkakamali lang na pupuwede namang ituwid” dahil hindi naman sinasadya.

Marami nga namang paraan sa pagtutuwid ng mga pagkakamali at hindi naman  kinakailangang masibak ka sa puwesto.

Pero paano kung madudulas si Corona at lalabas ang katotohanan sa tainga at mata ng taumbayan?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itawag o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply