May-ari ng Novo mall dapat managot – ALAM

HINILING ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na siyasating mabuti ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog sa Butuan City na ikinamatay ng 17 salesladies.

Ani Yap, dapat may managot sa pagkasunog ng Novo department store.

Dapat din aniyang ipaliwanag kung bakit na-trap ang stay-in employees sa nasunog na gusali.

Bukod dito, dapat din aniyang maparusahan ang may-ari ng Novo mall dahil hindi ito sumunod sa fire safety procedures ng BFP.

Kinumpirma ni Paul Cabrera, hepe ng City Licensing Division sa Butuan City, na pagmamay-ari ng Taiwanese na si Alexander Arqueza ang nasunog na Novo Jeans & Shirt Enterprise.

Gayunman, hindi pa ito nagpapakita sa awtoridad para magpaliwanag.

Ani Yap, walang permit si Arqueza na pwede niyang patirahin ang kanyang mga empleyado sa kanyang tindahan, kahit nagmagandang loob lamang ito upang makatulong sa mga empleyadong malalayo ang bahay.

Dahil nagkulang aniya si Arqueza sa safety precautions kaya naganap ang trahedya.

Samantala, nakikiusap sina Evelyn Cabaña, ina ng biktimang si Hazel na taga-Valencia, Bukidnon at Antonio Lagura, ama ni Annie Joy Lagura, na tulungan silang madala sa kani-kanilang bayan ang bangkay ng kanilang mga anak upang doon mailibing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply