May Dating naghahanda sa Hopeful Stakes race

ILANG mga batang kabayo na ang nagbabatak para paghandaan ang 2012 Hopeful Stakes Race na gaganapin sa Mayo 19 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Lima sa 15 nominado sa event na nakataya ang P600,000 sa magwawaging kabayo ang nagsipanalo na sa regular races nakaraan.

Sina Papa Ethan, C Bisquick, Chevrome at Alpha Alleanza ay magaan na nanalo habang si May Dating ay medyo napahirapan ng bahagya kagabi.

Napalaban si May Dating sa Three-Year-Old Condition Earnings C-D kung saan ay nilutsa siya ni Carmelo hanggang sa huling kurba.

Pagsungaw ng rekta ay nadikitan na si May Dating nirendahan ni star jockey Jonathan “Unoh” Hernandez nina Pinay Beauty at liyamadong si Advance Notice subalit sa huling 100 metro ng laban ay nagawa pa ring makausad ang winning horse sa meta.

“May pag-asa si May Dating konting batak pa at mapapalaban sila rito.” sabi ni Eduardo Dela Cruz isang karera runner.

Ang ibang nominado sa nasabing stakes race na may distansyang 1,600 meter race ay sina Ikel, Isa Pa Isa Pa, Yes, Yes, Yes, Top Meat, Mr. Tatler, Spring Collection, Cat’s Diamond, Gale Force, Sea Princess at Golden Empire.

May nakalaan din na P225,000 sa second placer habang P125,000 at P50,000 ang iuuwi ng third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply