May diskriminasyon sa American Idol

HALOS lahat ng Pinoy ay lumaylay ang balikat dahil sa naging resulta ng American Idol season 11 kung saan si Phillip Phillips ang tinanghal na winner. Kami mismo ay bumagsak ang baba sa mesang pinagta-type-an namin dahil sa balitang ito. Pagandahan ba ng itsu ang labanan kaya nanalo ang panlaban ng mga taga-Leesburg, Georgia, U.S.A?

Aminado tayo na kulang sa ganda si Jessica pero pagdating sa boses ay lampaso si Phillips. Kahit magtutuwad pa sa kakakanta ang Amerikanong ito ay no match siya sa kababayan natin. Iyon nga lamang, lamang ito sa pagtugtog ng instrumento. At kung ang kabuuang tayo ang titingnan, may bentahe sa tindig ang binata.

Pero ayon sa isang blog, sa result ng Votefair.org, ‘Ms. Sanchez has been #1 on its AI Season 11 poll that lets voters cast just *one* ballot per person ever since the beginning. As of this writing, Jessica is leading PP 72% to 28%, which clearly indicates that she is getting the majority of the votes of some of the eliminated contestants (notably Joshua and Hollie).’

At sabi pa, simula nang isalba si Jessica ng mga hurado pagkatapos na talunin siya ‘diumano’ sa botohan sa isang episode ng AI ay naging aware na ang lahat ng Pinoy sa buong mundo, maging ang mga Latino, kaya itinodo na ang pagboto sa dalaga. How come na natalo pa rin ang ating manok?

Hindi kaya ang producer ng show ang nag-decide rito? Pinairal nila ang diskriminasyon sa puntong ito nang isang Asyano ang dapat sana’y mag-uuwi ng karangalan.

Mga American lang ba talaga ang mga karapatang manalo rito, dahil nga American Idol ang titulo ng programa? Dapat palitan nila ito.

Gawin kaya nilang Universal Idol para lahat ng uri ng tao sa mundo ay may pag-asang manalo sa singing contest na ‘to.

Nakapagtataka ring halos mula Season 7 kung saan si David Cook ang nanalo, Kris Allen sa Season 8, Lee DeWyze sa Season 9 at Scotty McCreery sa Season 10, ngayon ang American Idol Champ ay boy ulit? Sobrang galing naman yata ng mga lalaki, huh! Hhmmm… baka baklita ang produ? Hahaha!

Well, sabi nga sa USA Today si Phillips may have received “sympathy” votes after news reports came out that he was struggling from kidney problems on the show.

At marahil ay nabawasan daw ng score si Jessica nang may lyrics itong nakalimutan nang kantahin nito ang The prayer.

Anyway, ang 16-year-old American-Mexican-Pinay from Chula Vista, California ay panalo pa rin in her own rights, dahil sa kanya nagkasundo ang buong Pinoy all over the world, she have shown the world, once again, what a great Pinoy talent is.

Panalo talaga sya dahil ultimo ang asawa ni Thalia na si Tommy Mottola na nagpasikat kina Mariah Carey, Beyonce at Jennifer Lopez ay nangakong ipo-produce siya ng album.

Pati ang R&B singer na si Akon ay nagsabing gusto niyang bigyan  ng album ang dalaga at marami pang ibang sikat na singer ang nagpahayag ng kanilang eagerness na makatrabaho ang magaling na singer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply