May ‘pork holiday’ ang mga hog raiser! E ano?

UY ANO itong nabalitaan natin na magdaraos daw ng “Pork Holiday” ang mga hog raiser bilang kanilang  protesta raw sa walang patumanggang pagpasok sa bansa ng mga imported  na karneng baboy.

Umaangal ang mga hog raiser dahil daw sa hindi matigil na pagpasok ng mga imported pork na ikinalulugi  raw ng kanilang industriya. O, e ano kung nalulugi ang industriya?

Kung nalulugi pala, bakit kinakailangang tumigil sa pagsusuplay sa merkado?

Dumaan na pala ang two-day ‘Pork Holiday’ pero hindi ko man lamang ito naramdaman ‘pagkat hindi naman tayo mahilig magkakain nito.

E mas gusto ko pang ku-main ng isda at gulay kaysa sa mga baboy dahil baka ma-altapresyon pa ako niyan, hehehehe.

Ang balita ko nga ay hindi nag-click ang ginawang protesta at hindi nila naparalisa ang “pagkalat ng mga baboy.” Kaya muli na naman silang nagbanta ng panibagong five-day na ‘Pork Holiday.’

Bakit hindi kaya subukan ng mga hog raiser na tumigil sa pagbebenta ng mga baboy para malaman nila kung sino ang unang maaapektuhan?

Hindi ba naiisip ng mga hog raiser na hindi kawalan ang gagawin nilang five-days ‘Pork Holiday’ dahil sa pabor ito sa mga high blood dahil marami ang inaatake sa puso sa sobrang pagkain ng baboy? Isa pa, kahit na magwelga na ng mahabang panahon ang mga hog raiser ay marami pang mga alternatibong pamalit sa karne ng baboy.

Siyempre mas safe at nagpapalusog pang kainin ang gulay, isda at iba pang mga pagkaing dagat.

VK QUEEN NG ALAMINOS PADER

Sino itong alyas Dulce ng Alaminos, Laguna na may pinakamaraming videokarera na nilatag?

Hindi mapatigil ang mga vk ni Dulce dahil sa ‘pader’ daw siya kay PD Cruz.

oOo

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 09189-274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply