Mayo 31 deadline sa pagpaparehistro ng mga Partylist — Comelec

BINIGYAN ng Commission on Election  (Comelec) ang mga Partylist na nagnanais na lumahok sa 2013 mid election ng hanggang Mayo 31, para magparehistro.

Sinabi ni Comelec spokesman Atty. James Jimenez na  magiging istrikto at metikuloso ang ahensya sa pag-aproba ng mga partylist na lalahok sa midterm election.

Sinabi ni Jimenez na maraming nagparehistro ang hindi nakapasa at may 62 partylist na ang kanilang tinanggal.

Aniya, may 20 kaso pa ang dinidinig ang Comelec.

Sa ikalawang linggo pa ng Hunyo mailalabas ng Comelec ang listahan ng mga kuwalipikadong partylist, ayon kay Jimenez.

Sinabi pa ni Jimenez na kinakailangan na may “track record” ang isang partylist na kabilang sa pinagbabasehan ng Comelec sa kanilang pagpili.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply