Mayor Lim suportado ng Lions Club

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang walang patid na suporta ng Lions Club, kasabay ng ika-63 Lions Clubs Multiple District 301 State Convention sa CCM, Mehan Garden , Manila, na kaniyang dinaluhan.

Bukod sa mga materyal na donasyong tulad ng pagpapatayo ng  Day Care Centers at libraries sa mga mahihirap na lugar sa lungsod at mga wheelchair, clutches, medical equipments, gamot ,  medical supplies at relief goods sa mga panahong may kalamidad at espesyal na okasyon tulad ng Pasko,  nagpahayag pa ng suporta ang grupo sa alkalde na mananalo ito muli sa pagtakbo sa May 2013.

Tahasang sinabi ni  Atty. Linsangan, dating presidente at kasalukuyang  Lions Club Council Administrator, naniniwala siya na walang makatatalo kay Lim at nagpasaring pa ito sa dating pangulong Joseph Estrada.

“When former president Joseph Estrada announced that  he will run as mayor in Manila, he is in for a big fight.  For those who are true Manilans, alam naman ninyo na si Erap ay Mayor ng San Juan..all of a sudden, he will run  in the city of Manila,” ani Atty. Linsangan.

Sagot naman ng alkalde: “I am aware that your organization aims to meet the needs of communities on a local and global scale and that the projects and community services you have done not only in the City of Manila but also around the country, are truly appreciated by the beneficiaries.”
“.

“Lions have been in the forefront in extending help. We thank and salute you for your charitable help. Sana ipagpatuloy niyo ang inyong kabutihan. Napakalaki ng utang na loob ng Manila. People look up to you for your charitable gesture,” dagdag pa ni Lim.

Naniniwala ang alkalde na kahit maraming mahihirap na taga-Maynila, aasenso rin ang mga ito sa patuloy na pagsusulong ng programang mapag-aral  ng libre mula elementarya hanggang sa kolehiyo at kaakibat pa nito ang livelihood programs para sa mga magulang maliban pa sa `womb to tomb’ program  na libre ang  health at  social services partikular sa pagbubuntis, panganganak, kalusugan ng mga bata sa libreng osputal, gamot at libingan at cremation sa nangangailangan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply