Mayweather-Cotto humakot ng 1.5 million buys

INIULAT ng HBO Sports na humakot ng 1.5 million pay-per-view ang May 5 super welterweight title fight nina Floyd Mayweather at Miguel Cotto sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ang nag-promote ng laban ay ang Mayweather Promotions at Golden Boy Promotions.

Ang 1.5 million buy ay nagkakahalaga ng $94 million sa pay-per-view revenue.

Lumalabas din na ang Mayweather-Cotto ay second highest grossing na non-heavyweight pay-per-view event sa kasaysayan ng boxing.

Nananatili pa ring numero uno ang laban nina Mayweather at Oscar de la Hoya ($137 million) noong 2007.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply