M’cañang ingat na sa usapin sa Panatag Shoal

NAPAKA-INGAT ngayon ng Malakanyang na sagutin ang usapin na may kinalaman sa standoff sa pagitan ng Pilipinas at China sa Panatag (Scarborough) Shoal.

Sa katunayan ay tikom ang bibig ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa ulat na pinagbawalan ng Chinese government ang kanilang 300 estudyante na mag-enroll sa Palawan State University.

“I hope you understand that we are more careful in giving responses as far as the standoff is concerned. Maraming lumalabas na different story, we want to verify first,” ayon kay Valte.

Sinabi ng opisyal na ayaw ng pamahalaan na maipit sa isang sitwasyon na maaaring magpalala pa sa hidwaan ng Pilipinas at China.

Sa ulat, sinabi ni Palawan State University president Jeter Sespeñe na may mga Chinese students na ang nagpahayag ng kanilang plano na hindi na mag-enroll sa nasabing unibersidad.

“We have not gotten a report on that, we are trying to confirm that…. May lumalabas na hindi pala totoo, mahirap mahuli sa ganoon,” ayon kay Valte.

Sa kabilang dako, tumanggi si Valte na mag-komento sa ulat na sinabi ng isang Chinese news program na pinapagrabe lang ng Philippine media ang usapin ng standoff.

“That is most probably an opinion…, which we will not comment on anymore,” anito.

Sinabi pa ni Valte na bukod sa shoal ay marami pa aniyang bagay na maaaring pag-usapan na may kaugnayan sa pakikipagkaibigan sa China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply