M’cañang kay Corona: We wish him well

ITO ang mensahe ng Malakanyang kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona matapos isugod sa Medical City sa Pasig dahil sa masamang karamdaman makaraan ang madamdamin at emosyonal na pagsalang sa witness stand kahapon, Mayo 22 sa impeachment court sa Senado.

“we do not wish ill to anyone much less the Chief Justice…but even the Senate impeachment court in it’s wisdom has seen fit to impose reasonable limitations on his medical condition as an excuse for absence…we wish him well and ready to stand fit for Friday’s hearing,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa ulat, nagkasundo ang senator-judges na bibigyang ng hanggang Biyernes, Mayo 25, si Corona para humarap sa impeachment court upang maisalang sa cross examination ng prosekusyon.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada pagkatapos ng ginanap na emergency caucus ng mga senador.

Samantala, hindi na rin itinuloy ng Senate doctor na si Dr. Mariano Blancia ang pagsuri sa kalagayan ni Corona sa Medical City sa Pasig.

Tinuran ni Senate Majority Leader Tito Sotto, binawi na ni Senate President Juan Ponce-Enrile ang kautusan na suriin ng doktor ng Senado si Corona sa halip ay ipinaubaya sa kanyang doktor at ang depensa na ang bahala na magsumite ng ulat sa impeachment court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply