M’cañang sa mga Pinoy sa US: Iboto si Jessica

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga Filipino sa Estados Unidos at mga Mexico na iboto si Filipino-Mexican-American Jessica Sanchez na lalaban sa finals ng American Idol season 11.

“Please show your support in any way possible for Jessica Sanchez. This is the last stretch and we know that when Filipinos gather and put their minds into it, it will happen,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Pinuri ng Malakanyang si Jessica lalo pa’t dalawa na lamang sila ni Phillip Phillips na maglalaban bilang susunod na American Idol.

Ayon naman kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ang pagpupursige ni Jessica ay inspirasyon at sorpresa hindi lamang sa Amerika kundi sa buong mundo.

“Her perseverance and passion have inspired and surprised not just America, but the whole world with a voice that is as powerful as it is stirring,” bahagi ng pahayag ni Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply