Media bawal pa rin sa Medical City

NAGPAPATULOY ang mahigpit na seguridad sa The Medical City kung saan patuloy na naka-confine si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Hanggang ngayon ay ipinagbabawal pa rin ang media sa loob ng ospital lalo sa 15th floor na naroon ang kuwarto ng punong mahistrado.

Sa kasalukyan, napapalakad-lakad lamang sa hallway ng 15th floor ang security personnel na nagpapatuloy na nagbabantay kay CJ Corona.

Tanging ang pamilya Corona, Supreme Court spokesman Midas Marquez at official photographer ng High Tribunal lamang ang pinahihintulutang makapaglabasmasok sa kuwarto ni Corona.

Kaugnay nito naluha ang ilan sa mga empleyado ng Supreme Court (SC) matapos hatulan ng guilty si Corona.

Ayon kay Jojo Guererro, Presidente ng Supreme Court Employees Association, political decision ang umiral sa 20 senator judges na bumoto para ma-convict si Corona bilang paghahanda sa eleksyon sa susunod na taon.

Hindi bababa sa 100 kawani ng Korte Suprema ang sumubaybay sa ginawang botohan kahapon na nagdesisyon ang senate impeachment court na patalsikin sa pwesto ang punong mahistrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply