Media hindi sakop ng ‘leak probe’ — De Lima

HINDI sakop ng “leak probe” ang media.

Ito ang siniguro ni Justice Secretary Leila de Lima kay National Press Club (NPC) president at Alab Ng Mamamahayag (Alam) Vice Chairman Benny Antiporda.

Ani De Lima, hindi sakop ng DOJ probe ang media na ihayag ang pinagmulan ng kanilang impormasyon.

Ayon naman kay Antiporda, nagkausap sila ni de Lima sa telepono kung saan siniguro ng DOJ chief na sa imbestigasyon na pamumunuan ni DOJ Usec. Leah Armamento ay hindi kasama ang mga miyembro ng Fourth Estate.

Alam aniya ni De Lima ang nilalaman ng Republic Act 53 kung saan ginagarantiyahan ang kalayaan ng pamamahayag.

Ang RA 53 ay kabilang sa mga unang batas na ipinasa sa Kongreso noong 1946 kung saan ang mga publisher, editor o reporter ay hindi pwedeng piliting ibunyag ang kanilang source maliban na lamang kung ipag-uutos ng hukuman.

“Ang pinakamatinding mahihiling lamang ng DOJ sa media, ayon kay Sec. de Lima ay ang hingin ang tulong ng media upang mabilis na maresolba ang mga kasong kanilang sinisiyasat. Wala naman sigurong mali roon,” ani pa ng pangulo ng NPC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply