Media killings lumala pa: ALAM umapela sa PNP

NAIS paimbestigahan ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa Philippine National Police (PNP) ang panibagong kaso ng pagpaslang sa media man sa Mindanao.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, dapat tutukan ng PNP ang nasabing krimen upang mabigyan ng malalimang imbestigasyon ang pamamaslang kay Nestor Libaton, reporter/anchorman ng Radio Veritas sa Davao City kahapon ng hapon.

Pinatutukan din ni Yap ang kaso ni Bombo Radyo Koronadal driver/reporter Jojo Palma.

Ani Yap, nakasisiguro ang ALAM na expert criminals na riding-in-tandem ang pumapatay sa mediamen dahil napakabilis nilang tumakas.

Aniya, habang nagtatagal ay nalalagay sa panganib ang buhay ng mga miyembro ng media at wala silang magawa rito.

Kung hindi aniya tutulong ang pulisya ay malamang na malagas na lamang ang mga kasapi ng media na walang nakakamit na hustisya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply