Media rights di sasaklawan sa Data Privacy Protection Act

TINIYAK ni Sen. Edgardo Angara na hindi sasaklawan ng Data Privacy Protection Act ang karapatan ng media na magsusulat o magbubulgar ng mga impormasyon na nakalap sa gobyerno at iba pang sources upang ibalita.

Sinabi ni Angara na walang probisyon sa panukala na nagsasabing pagbawalan ang media na sumulat ng istorya mula sa impormasyon na nakalap nito sa mga gobyerno o anuman service provider.

“There will be no sanction against any member of the media who leaked confidential information. The rights of media to give information to the public are absolutely protected under the Data Privacy Protection Act,” ayon kay Angara.

“Journalist is absolutely protected under the law. The right of a journalist to write about information is protected, he or she has no liability under the law, but only the provider of the information,” dagdag ng beteranong senador.

Ngunit, aniya, mapaparusahan sa naturang panukala ang taga-tago ng impormasyon o nagbigay ng impormasyon sa media na ginawan ng istorya.

“Who will be punished? The one who has the obligation to keep, or holds the information from somebody. Like lawyers to his client, the lawyer cannot gives information about his client,” aniya.

“For example, a private individual was hospitalized and that person’s medical records were made public without t=his consent. In this case, the hospital or the records custodian will be sanctioned, not the journalist who wrote about it,” paliwanag pa niya.

Kamakailan, tinutulan ng Philippine Press Institute ang Section 30 ng Data Privacy Act na kasalukuyang sinusuri at pinag-aaaralan ng bicameral conference committee, na nagsasabing pinalawak ang sakop ng pagkakasala sa miyembro ng media na sangkot sa hindi awtorisadong paglalathala ng sensitibong personal na impormasyon.

Ngunit, sinabi ni Angara na pangunahing layunin ng panjujkala na itaguyod ang pagtitiwala sa lumalakas na industriya ng information technology at Business Process Outsourcing (IT-BPO) kabilang ang lumalagong e-government na inaatasan ang pampubliko at pribadong institusiyon na pangalagaan ang integridad, seguridad at confidentiality ng impormasyong nakolekta sa kanilang operasyon.

“The law wanted to protect not only trust and confidence being extended to us by foreign companies who choose us to be their processor of information of their clients, but also to protect our interest in the internet when we give information to a service provider,” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply