Mediaman pa itinumba sa Davao Oriental

PATAY ang isang radio broadcaster nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na sakay ng motor sa Mati City, Davao Oriental kaninang hapon.

Kinilala ang biktima na si Nestor Sapidan Libaton, anchorman ng dxHM/Spirit FM, dead-on-the spot dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at tagiliran sa Pinagsablayan Highway, Barangay Don Enrique, Mati City, Davao.

Ayon sa pahayag ni Nelia Dualyo, kasamahan sa radyo ng biktima, kasama ni Libaton ang isang Eldon Cruz, galing sa Bgy. Paragona matapos maimbitahan para mag-interview ng mga kagawad.

Pauwi na ang dalawa nang mapansin ang tatlong kalalakihan na nakasunod sa kanilang sinasakyan sakay ng motorsiklo.

Nang huminto sina Libaton at hindi nag-overtake ang mga nakasunod sa kanila ay binaba na ito ng anchorman.

Pero sa hindi malamang dahilan ay basta na lang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima bago nagsitakas.

Ayon naman sa pahayag ni Kath Raymundo ng Center for Media Freedom and Responsibility, naniniwala sila na ang pamamaslang kay Libaton ay work-related.

Sa pagkakapatay kay Libaton, pang-125 na siya sa biktima ng media killings mula 1986, ayon na rin sa talaan ng CMFR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply