Medicine distributor tinarakan, tigok

TODAS ang isang medicine distributor matapos itong saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad sa Victoneta Avenue Barangay Potrero Malabon City, kagabi (May0 4).

Dead on spot sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib na inabot ang puso na si Michael Rico y, Guizzagan, 31, binata ng Brgy. Gumaac, San Jose Del Monte Bulacan.

Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin matapos na maisagawa ang krimen.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 nang maganap ang krimen sa madilim na bahagi ng Victoneta Ave. ng nasabing barangay.

Nabatid, na inihatid muna ni Michael ang kanyang kasintahan na si Kreeza Lindong y De Leon sa  bahay nito sa Tonsuya.

Habang naglalakad pauwi ang biktima ay sinaksak ito ng salarin.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply