Mehikanong reporter dinukot, pinaslang

NATAGPUANG ang bangkay ng isang crime reporter na nakasilid sa isang garbage bag na pinaniniwalaang biktima ng gangland killing sa northern Mexican state of Sonora, ayon sa prosecutor kahapon, Biyernes (Mayo 18).

Natunton ng pulisya ang bangkay ng biktimang si Marco Antonio Avila sa tabi ng isang rural road, isang araw matapos itong dukutin ng grupoi ng armadong kalalakihan sa isang car wash sa kalapit na bayan ng Ciudad Obregon, ani Jose Larrinaga, spokesman ng state prosecutor’s office.

May palatandaan na ang bangkay ay tinortyur at may iniwan na threatening note na iniwan sa tabi ng naturang bangkay na karaniwang ginagamit ng drug gangs, pahayag pa ni Larrinaga.

Kumokober si Avila ng police at crime issues para sa lokal na pahayagan na Diario de Sonora at nag-uulat ng drug-related violence.

Ang Sonora, na malapit sa border ng Arizona, ay nasa key smuggling route para sa Sinaloa cartel, na pinangungunahan ng Mexico’s most wanted man, na si Joaquin “Shorty” Guzman.

Ang pagpatay kay Avila ay kasunod ng pagpatay sa tatlo pang mamamahayag sa eastern state of Veracruz sa loob ng mga nakaraang buwan.

Sa kabuuan, mahigit sa 70 na mamamahayag ang pinatay sa Mexico sa mga nakataaang dekada, ayon sa ulat ng government-funded National Human Rights Commission.

Inginunguso ang karamihan na pagpatay sa drug cartels pero kaunti lamang ang nalulutas na pagpatay.

Nitong nakaraang taon lamang, ang Mexico ay pangatlong pinakadelikadong bansa sa buong mundo para sa mga mamamahayag bago ang Pakistan at Iraq.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply