Melanie Marquez nagpapayat para sa bagong commercial

GULAT kami kay Melanie Marquez nang huli namin siyang nakita sa TV5 sa taping ng programa ni Vic Sotto kung saan siya’y guest nang araw iyon. Aba! super slim siya at naibalik niya ang kanyang katawan na hinangaan sa kanya nang manalo siya bilang 1979 Miss International na ginawa sa Tokyo, Japan.

Matagal na itong hinihintay ng big boss ng Psamstre na si Mr. Jaime Acosta para makagawa na siya kay Melanie  ng TV commercial. Si Melanie kasi ang signature model talaga ng New Placenta soap at ibang cosmetic products ng New Placenta.

Last month pa dumating sa bansa si Melanie para paghandaan ang pagsu-shoot ng bagong print ads ng New Placenta at para pag-usapan ang paggawa niya ng TV commercial.

Nang makausap namin si Mr. Acosta sa TV commercial ni Melanie, hindi pa siya makapag-elaborate nang husto. Maaaring matuloy na ito dahil nasa perfect shape at super ganda pa rin ni Melanie.

Tungkol naman sa buhay Tate ni Melanie, nasabi niyang gusto niyang papag-aralin lahat ang kanyang mga anak sa America. Maaaring pag-alis niya ng bansa ay kasama na niya si Mazen, ang tanging anak na naiwang anak niya sa ating bansa.

Madali kay Mazen na makapunta sa US dahil siya’y American citizen. Si Mazen ay autistic na anak niya.  Ang mga autistic sa America ay nakapag-aaral kahit na sa kolehiyo.

000

Glaiza de Castro, Patrick Garcia muling nagkita sa birthday show ni Lito de Guzman

MULING nagkita sina Glaiza de Castro at Patrick Garcia sa birthday show ni Lito de Guzman noong May 10 sa Zirkoh Morato featuring ang mga signature talents niya ngayong Wonder Gays, na hit na hit kahit saan pumunta dahil bukod sa maganda ang blending ng kani-kanilang boses, total performer pa.

Aba! rare occasion ang pagkikita nina Glaiza at Patrick. Dati silang magkarelasyon nung si lalaki ay nasa GMA7 pa lumalabas. Nagkasama sila sa mga soap noon ng GMA7 kaya na-rekindle ang pagmamahalan nilang dalawa na nagtagal ng tatlong buwan.

Pero sadyang hindi pa panahon para kay Glaiza na makipagrelasyon sa opposite sex.

Kaya ang pagkikita nila sa birthday show ni Lito ay rare okasyon talaga. May nagbalik-alaala kaya sa dalawa? Magkabalikan kaya sila dahil pareho pa rin silang single?

Parehong kaibigan nina Glaiza at Patrict si Lito kaya hindi nila mapahindian na um-appear sa show. Ang mother ni Glaiza na si Cristy Galura ay matagal nang kaibigan din si Lito, kaya konting hiling lang nito ay madaling mapagbigyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply