Men in uniform ‘killers’ ni Mendiola – de Lima

ALAGAD mismo ng batas o men in uniform na galamay ng Dominguez carnapping syndicate ang nasa likod ng pamamaslang sa star witness ng pamilya Evangelista na si Alfred Mendiola.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de lima ngayong araw.

Naniniwala rin ang kalihim na kung sinusubaybayan ng mga elemento ng Intelligence Service Operations Group ng Witness Protection Program ng DOJ si Mendiola ay posibleng minamatyagan din ng sindikato ang galaw ng testigo.

Ginawa  ni de Lima ang kanyang pahayag batay na rin sa sinabi ni Ginoong  Arsenio Evangelista, ama ng biktimang si Venson Evangelista na noong nakalipas na Huwebes ay nakapag-text pa sa kanya ang biktima na nagsasaad na may nararamdaman siyang “men in uniform” na kumikilos para sa Dominguez brother.

Una rito, nagtungo sa DOJ si Ginoong Evangelista kasama si VACC chairman Dante Jimenez upang alamin ang tunay na kalagayan ni Mendiola sa WPP at bakit siya napaslang nang wala man lamang nakatalagang security personnel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply