Menor de edad, 3 pa timbog sa pamemeke ng tseke, IDs

NAARESTO ng mga tauhan ng Manila City Hall Detacment at City Hall Public Assistance (CHAPA) ang apat katao kabilang ang isang menor de edad dahil sa pamemeke ng mga bank checks at iba’t ibang uri ng identification card.

Iniharap sa mamamahayag ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga dinakip na sina Reynaldo Dasilio, 48, ng no. 18 M. Cuenco St. Sampaloc, Manila; Beltran Mondoy, 37,  ng no. 1891 C.M. Recto Ave. Sampaloc, Manila; Ronald Flores, 28, residente ng 2797J. Cunanan St. Tondo, Manila at isang menor de edad na nagsisilbing fixer.

Ayon kay Lim, ginagawa ng apat ang pamemeke sa pamamagitan ng computer kung saan ini-scan ang mga ID tulad ng mg voter’s ID, postal at driver’s license habang pini-print naman ang mga tseke ng Banco de Oro at Bank of the Philippines Islands (BPI).

Sinabi naman ni Sr. Insp. Rolando Lorezon, Jr. hepe ng city hall detachment, sinalakay ang puwesto ng mga suspek sa Cartimar Bldg. sa Recto Ave. matapos na makatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y
pamemeke ng mga dokumento.

Lumilitaw na isang taon na ang operasyon ng mga suspek kung saan kumikita ang mga ito ng P1,500 bawat isa.

Kadalasan umanong mga kostumer ng mga suspek ang mga estudyante, negosyante at job applicants.

Sinabi ni Lorenzo na lilinisin din nila ang hanay ng mga gumagawa ng mga pekeng dokumento sa  kahabaan ng Recto Ave.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply