Mga abogado sa impeach trial (depensa)

MADALAS na tutulan ng prosecution ang strategy ng mga abogado ni Chief Justice Corona. Delaying tactic daw ito at ginugulo lamang ang mga issue para mapatagal ang kaso. Ito rin marahil ang perception ng publiko sa legal strategy ng depensa.

Bilang Kapwa abogado ay nauunawaan natin ang “legal strategy” ng depensa. Ang ultimate objective ng Depensa ay HUWAG MATANGGAL SA PUWES-TO SI CHIEF JUSTICE CORONA. Kaya ang strategy nila ay tungo rito.

Sa depensa, ang laban ay sa loob lamang ng impeachment court. Ang huhusga sa Chief Justice ay ang mga senator judge at hindi ang taumbayan. Kaya’t kailangang makasiguro sila na hindi makuha ng prosecution ang two third rate ng mga senador.

Noong prosecution ang naghahain ng kanilang ebidensya ay napansin natin na INULAN ng “objections” ang prosecution mula sa defense panel. Natural po na gawin ng depensa yan. Kailangan ay maharang nila ang ebidensya laban sa kliyente nila.

Kung hindi man maharang ay kailangan “PALABUIN” ito at sabihin sa impeachment court na WALANG SAYSAY ANG EBIDENSYA. “Immaterial, impertinent and irrelevant,” ika nga.

Ang tinutumbok ng depensa ay HINDI IMPEACHABLE OFFENSE ang mga inihain ng prosecution. Ibig sabihn ay HINDI ANG MGA ‘DI UMANO NA MGA MALI NI CORONA ANG MGA DAPAT NA BASEHAN NG IMPEACHMENT COMPLAINT.

Parang ganito, halimbawa na ang isang akusado sa pagpatay o murder, at puro mga pagnanakaw, pang-estafa at panggagahasa ang ebidensya, hindi mahahatulan ng guilty ang akusado. Kailangang ma- prove ng prosection ang murder at hindi ang iba niyang kasalanan na walang koneksyon sa kaso.

Pero depende yan sa Impeachment Court. Na-prove ba na ang kasalanan di umano ni Corona ay IMPEACHABLE OFFENSE?

Marami ring mga kahilingan o “motion” ang depensa na sa tingin ko ay strategy lamang. ISANG PAIN SA PROSECUTION. At kinakagat naman ng prosecution.

Parang sa basketball, nasa kabilang court ang kalaban at kahit itira niya mula roon ang bola ay walang pag-asa na ma-shoot, pero dinidikitan ng bantay at nag-aaksaya ng lakas na “i-block” ang tira. Tuloy baka ma-foul at makapag-free throw ang tumitira.

Mawalang galang na po sa mahuhusay na prosecutors.  Minsan ganito po ang mangyayari. Mga “motion” na walang saysay ay pinapatulan. Tuloy lalong tumatagal. Lalong pinag-uusapan at nalalayo sa issue ng impeachment lang.

Hindi kailangan ng depensa na mapaniwala nila ang karamihan ng senador para manalo si Corona. Kailangan lang ila ay MAPIGILAN ay two thirds rate ng mga senador na pumanig sa prose nitron. In fact, kaliit labing isa sa kanila ay MAG ABSTAIN at wala ni isa ang for acquittal ay panalo ang depensa. At lalong panalo sila kung sa pagdelay ng kaso, ay hindi mahatulan si Corona.

Sa huli, masasabi natin na ginagagawa ng prosecution at defense lawyers ang sa tingin nila na dapat para manalo ay kanilang panig. At ang mas mahalagang tanong ay at the end of the day pag bumato na ay mga senador, panalo kaya ang bayan sa kanilang paghatol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply