Mga balimbing hindi uubra sa UNA

HINDI papayagan ni Navotas Rep. Toby Tiangco, secretary-general ng United Nationalist Alliance na mabahiran ng mga balimbing ang bagong tatag na partido nina Vice President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.

“I strongly object to fielding common Senatorial candidates with other political parties as this would be unfair to other candidates of UNA.”

Naging malinaw aniya sa mga unang pag-uusap na ang UNA ay kabibilangan lamang ng dalawang partido political – ang Partido ng Masang Pilipino at PDP-Laban.

Ang iniiwasan lamang aniya dito ay ang pagkakaroon ng conflict of interest dahil malabo ang pamamangka sa dalawang ilog.

Paalala pa ni Tiangco sa lahat ng tatakbong senador sa UNA na hindi maaaring tanggapin ng isang tatakbong senador ang imbitasyon upang maging common candidates.

Hamon pa ng kongresista na dapat mamili ang isang kandidato ng partido na gusto nilang samahan.

“Ang namamangka sa dalawang ilog, ay walang pinagkaiba sa balimbing!” ani Tiangco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply