Mga dormitoryo sa Maynila iniinspeksyon na

SINIMULAN na ng mga opisyal ng  Manila City hall ang pag-iinspeksyon ng mga dormitoryo sa lungsod bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ayon kay City Administrator Jesus Mari Marzan,  taun- taon nilang isinasagawa ang inspeksiyon upang  matiyak na ligtas ang mga estudyante habang nanunuluyan sa mga dormitoryo.

Sinabi ni Marzan, na kasama ang ilang  tauhan ng  Bureau of Fire Protection,  layunin nilang  matiyak na sumusunod sa batas ang  mga may ari ng mga dormitoryo.

Giit ni Marzan, kailangan na may fire exit, malinis at may ventilation ang mga dormitory para sa maayos na paninirahan ng mag estudyante.

Ani Marzan, binibigyan ng hanggang dalawang notice ng city hall ang mga makikitaan ng paglabag habang rekomendasyon naman para sa pagpapasara ang sinumang hindi makakakumpleto ng mga kailangang
dokumento.

Kasabay nito, muling nagpaalala si Marzan sa mga may ari ng dormitoryo na mahigpit na ipinagbabawal ang  ‘mixed dormitory’ o pagsasama ng babae at lalaki.

Paliwanag ni Marzan kailangang sundin ng may-ari ng domitoryo ang kanilang kontrata kung saan tanging mga babae o mga lalaki lamang ang tatanggapin sa bawat dormitoryo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply