Mga huli sa traffic violations, binabangketa

GARAPALAN na kung mangotong ang ilan sa mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB)  o Mantika, Toyo, Patis at Bawang, partikular na ‘yung mga law enforcer na naka-assign malapit  sa Sta. Cruz Church sa Maynila.

Dalawa ang naka-assign na traffic enforcer sa lugar na ‘yan. Masipag sa dilang masipag ang dalawang naka-assign diyan.

Masipag sila hindi sa trabaho kundi sa paghagilap ng kanilang pagkakakuwartahan na mga motorista lalong-lalo  na sa mga motorista.

Basahin natin ang nilalaman ng mga sumbong sa  text  message.

Sir Johnny, isumbong ko lang sa inyo yung mga  traffic enforcer ng Manila City Hall na nangongotong, lalo na yung naka-assign sa malapit sa simbahan ng Sta. Cruz.

Dalawa sila. Naka-motor ako,  galing ako sa likod ng SM. Pupunta sana kami ng asawa ko sa Divisoria para mamili ng mga gamit na pang-school ng mga anak namin nang bigla kaming hinuli ng dalawang MTPB dahil sa one way raw ang pinasok namin.

Eh wala namang nakalagay na sign board or palatandaan na one way.

Pero sabi sa akin ng isang enforcer na P2,000 daw ang bayad sa ‘one way’ pero P500 na lang daw ang ilalagay niya sa violation ko, sabay sabi na puwede namang aregluhin kahit P200 lang para ayos na. Kasi P190 lang daw ang porsyento nila sa P500. Para wala nang marami pang satsatan ay binigyan ko na ng P200.

Ang masasabi ko lang sa mga traffic enforcer ng Manila, halos karamihan ay puro ‘kotongista.’ Sana makarating ito kay Mayor Fred Lim.

NAGPAPA-TIMBRE NGA BA ANG DILG?

Sino itong William Cajayon na nagpapatimbre sa mga pasugalan sa Eastern Metro Manila.

Ginagamit ang DILG sa kanyang pangongotong.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply